Batay sa ulat, bago nangyari ang krimen ay magkasama ang biktima at ang nobya na si Princess Pineda na nag-aabang ng traysikel pauwi sa kanilang bahay matapos na makipag-inuman ang una sa isang restoran.
File
Love triangle tinapos sa saksak
Raymund Catindig (Pang-masa) - October 14, 2019 - 12:00am

Mister utas sa ex-lover ng nobya…

MANILA, Philippines — Mistulang hayop na kinatay ang isang 23-anyos na lalaki nang siya ay pagsasaksakin ng ex-lover ng kanyang nobya kamakalawa ng gabi sa Barangay District 3, Caua­yan City, Isabela.

Ang biktima na idineklarang dead-on-arrival sa ospital dahil sa mga tinamong saksak sa iba’t-ibang parte ng katawan ay kinilalang si Dennis Balmores.

Kinilala ang suspek na si Jeffrey Santos, 27 na agad tumakas sakay ng motorsiklo.

Batay sa ulat, bago nangyari ang krimen ay magkasama ang biktima at ang nobya na si Princess Pineda na nag-aabang ng traysikel pauwi sa kanilang bahay matapos na makipag-inuman ang una sa isang restoran.

Habang nag-aabang ng traysikel ay dumating ang suspek na si Santos na nakamotorsiklo at nagselos ito sa biktima dahil kasama nito si Pineda na dati niyang live-in partner.

Nagkaroon ng pagta­talo ang dalawang lalaki hanggang sa bumunot ng patalim si Santos at pinagsasaksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan si Balmores sa harap ng nagsisisigaw na si Pineda.

Nang bumulagta ang biktima ay tumakas ang suspek sakay ng kanyang motorsiklo habang ang una ay dinala sa ospital, subalit idineklarang dead-on-arrival.

CRIME
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with