Ayon sa mga taga-industriya ng langis, ang dahilan ng pagtaas ng presyo sa gasolina ay bahagyang pagliit ng suplay sa Asya kasunod ng maintenance shutdown ng maraming oil refi­neries. Nabawasan din umano ang imbentaryo ng gasolina ng Estados Unidos kaya umakyat ang presyo sa internasyunal na merkado.
Boy Santos
Dagdag-bawas sa presyo ng petrolyo
Danilo Garcia (Pang-masa) - October 14, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Magpapatupad ng dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis ngayong darating na linggo.

Dito ay madadagdagan ang presyo ng gaso­lina at mababawasan naman sa diesel na ibinase sa takbo ng kalakalan sa internasyunal na mer­kado.

Sa pagtataya ng mga oil industry experts, nasa P.20 hanggang P.30 sentimos kada litro ang maa­aring itaas ng gasolina habang posibleng walang paggalaw o bumaba ng katiting na P.10 sentimos kada litro sa diesel.

Tinataya naman na mababawasan ang presyo ng kerosene ng P.35 hanggang P.45 kada litro nga­yong papasok na linggo.

Habang isinusulat ito, wala pang kumpanya ng langis ang nagsagawa na ng price adjustments ngunit inaasahan na karamihan sa kanila ay magpapatupad sa dara­ting na Martes ng umaga.

Ayon sa mga taga-industriya ng langis, ang dahilan ng pagtaas ng presyo sa gasolina ay bahagyang pagliit ng suplay sa Asya kasunod ng maintenance shutdown ng maraming oil refi­neries. Nabawasan din umano ang imbentaryo ng gasolina ng Estados Unidos kaya umakyat ang presyo sa internasyunal na merkado.

PETROLYO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with