Ayon kay Cong. Yap, umiiyak na lumapit at humingi ng tulong sa tanggapan ng ACT-CIS si Ruben Sulu, 52, may-asawa at dalawang anak tungkol sa biglang pagkuha ng kanyang kariton ng ilang tauhan at opisyal ng nasabing barangay noong nakaraang linggo kahit nakatabi naman ito.
File
Solon pinagpapaliwanag ang mga abusadong barangay officials
(Pang-masa) - October 14, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dahil sa pagkumpiska at pagwasak sa kanyang kariton na ginagamit sa paghahanap buhay araw-araw ay nais ni ACT-CIS partylist Rep. Eric Yap na magpaliwanag ang mga barangay official ng Brgy. Paltok, Quezon City.

Ayon kay Cong. Yap, umiiyak na lumapit at humingi ng tulong sa tanggapan ng ACT-CIS si Ruben Sulu, 52, may-asawa at dalawang anak tungkol sa biglang pagkuha ng kanyang kariton ng ilang tauhan at opisyal ng nasabing barangay noong nakaraang linggo kahit nakatabi naman ito.

“Basta na lang pinababa ng kariton ang asawa ko at mga anak saka kinuha at dinala sa kanilang barangay. Pinuntahan ko para kunin pero wasak-wasak na,” sumbong ni Mang Ruben.

Agad naman nagtungo sa nasabing barangay ang mga tauhan ni Cong. Yap, pero ang sabi ng mga tanod ay gumagamit umano ng droga si Mang Ruben na mariin namang pinabulaanan. Sinabi ni Cong. Yap, kung talagang nahuli nilang gumagamit ng droga si Mang Ruben ay bakit hindi tinurn-over sa pulisya sa halip ay pinalaya ito at wala ring drug paraphernalia  na maipakita ang mga barangay official na umano’y nakuha nila kay Mang Ruben.

Kaya’t ipapatawag ni Cong. Yap ang mga opisyal ng barangay sa Paltok para magpaliwanag sa ginawa nila sa pobre.

ERIC YAP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with