3 rider patay sa aksidente
Victor Martin (Pang-masa) - October 14, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasawi ang tatlong motorcycle rider sa magkakahiwalay na aksidente sa Isabela, Ilocos Norte at Ilocos Sur, kahapon.

Ang biktima na namatay noon din ay kinilalang si Joseph Monteagudo nang mahagip ang kanyang traysikel ng kasalubong na Montero Sports SUV na nang-agaw ng linya sa Brgy. Pallatao, Naguilian, Isabela.

Nabatid na nawalan ng kontrol ang drayber ng Montero na si Restituto Baua, 49, kaya’t nasalpok ang biktimang si Monteagudo.

Sa Paoay, Ilocos Norte, nawalan ng kontrol sa kanyang motorsiklo si German Gunong, 25 sa kurbadang bahagi ng kalsada sa Brgy. Bacsil bago siya sumalpok sa steel barrier sa gilid ng kalsada na sanhi ng kanyang kamatayan.

Habang sa Juan, Ilocos Sur, nang-agaw ng linya si Kenneth Banjo Urata, 24 nang magkasalpukan ang kanyang motorsiklo sa kasalubong na Mitsubishi Pajero sa Brgy. Bannuar.

Si Urata ay idineklarang patay na ng mga doktor habang nasa kostudiya ang drayber ng SUV na si Lexter Dave Galano, 22.

MOTORCYCLE RIDER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with