Mister nagbigti dahil sa kawalan ng trabaho

Mer Layson (Pang-masa) - October 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinaniniwalaang depresyon dahil sa kawalan ng trabaho ang nagtulak sa isang mister na tapusin na lang nito ang kanyang buhay matapos magbigti sa loob ng banyo ng kanilang tahanan sa Brgy. Payatas, sa lungsod ng Quezon, kamakalawa ng hapon.

Ang nasawing biktima ay si Joseph Jacer Anaya, 45, may asawa, at residente ng Blk. 3, Phase 3, Lupang Pangako, ng naturang lugar.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-3:10 ng hapon nang madiskubre ang nakabigting biktima sa loob ng banyo sa kanilang tahanan.

Maliligo sana umano ang apo ng biktima na si Dexter Clark Domer subalit nakakandado ang pinto ng kanilang banyo.

Subalit nang halos ilang minuto na ang nakalilipas ay hindi pa rin lumalabas ng banyo ang biktima, kaya’t kinatok na ito ng kanyang anak pero walang sumasagot.

Dito na nag-alala ang anak kaya sapilitan na nilang binuksan ang pintuan at doon ay bumungad ang naka­bigting ama.

Agad na kinalag sa pagkakabigti ang biktima at isinugod sa East Avenue Medical Center ngunit idineklarang dead-on-arrival.

Naniniwala naman ang pamilya na posibleng ang kawalan ng trabaho ang dahilan upang magpasyang magpakamatay na lang ang biktima.

SUICIDE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with