Motor vs motor: 2 dedo, 3 sugatan
Rhoderick Beñez (Pang-masa) - October 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dalawang rider ang nasawi kabilang ang isang graduating senior high school student habang tatlo naman ang sugatan matapos magsalpukan ang sinasakyan nilang motorosiklo sa Brgy. Poblacion, Tacurong City, nitong Biyernes ng hapon.

Kapwa binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang dalawang rider na sina Perce delos Reyes Cabagay, 18, dalaga, estudyante ng Tacurong City National High School, at driver ng itim na Kawasaki CT 100 (MA 834); at Michael Santos Paulino, 23, binata, ng Brgy. Buenaflor sa naturang lungsod, at driver ng walang plakang Honda XRM 125.

Sugatan naman ang mga angkas ng nagsalpukang motor na sina Elven John Navarro Cabagay, 16, Verna delos Reyes Pedroso, 18, at Wilfred Quimsing Gregorios Jr. 20-anyos.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, dakong ala-1:00 ng hapon nang maganap ang salpukan ng dalawang motorsiklo na pawang galing sa magkaibang direksyon sa intersection ng Roxas Ave. at Burgos St.

Agad namang naisugod ng rescue team ng lungsod ang mga biktima sa magkaibang ospital kung saan nalagutan ng hininga habang ginagamot sina Cabagay at Paulino habang patuloy namang nilalapatan ng lunas ang tatlong sugatan.

ROAD ACCIDENT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with