Kelot pisak sa hinabol na bus
Danilo Garcia (Pang-masa) - October 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Buhay ang naging kapalit ng pagmamadaling makasakay nang habulin ng isang lalaki ang isang umaandar na bus at sumabit ngunit nakabitaw at tuluyang nalaglag at nagulungan naganap sa Makati City, kamakalawa ng gabi.

Naisugod pa sa St. Luke’s Medical Center sa Ta­guig City ngunit nalagutan ng hininga habang ginagamot ang biktimang si Alvin Eric Aniag, 43-anyos, residente ng No. 13 Zodiac Street, Remaville Subdivision, Brgy. Bagbag, Quezon City.

Nakilala naman ng pulisya ang tumakas ng tsuper ng Transport Service Bus na may plakang TYU 313 na si David Jimena, 44, nakatira sa Maria Louisa Zabarte Road, Camarin, Caloocan City.

Sa ulat ng Makati City Police, naganap ang insidente dakong alas-4:00 ng hapon sa kanto ng EDSA at Harvard St. sa may Brgy. Guadalupe Nuevo sa naturang lungsod.

Ayon sa mga nakasaksi, naghihintay ng masasak­yang bus ang biktima sa EDSA at nang makita nito ang bus na biyaheng Quezon City ay hinabol ito at sumabit ngunit nakabitaw dahilan para pumailalim at tuluyang magulungan.

Isinugod ng mga rescuers ang biktima sa St. Luke’s Medical Center sa Taguig City ngunit nalagutan ng buhay dakong alas-4:28 ng hapon.

EDSA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with