Hima-rehas na ngayon ang mag-asawang sina Michael Cardenas, 34, isang data installer at si Jonalyn Cardenas, 34, online seller at kapwa nakatira sa No. 301D, Reyes St., Brgy. Bangkulasi, ng naturang lungsod.
File
Mag-asawa timbog sa baril at droga
Danilo Garcia (Pang-masa) - October 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Walang iwanan hanggang sa kulungan ang isang mag-asawa matapos masakote ng mga pulis ang mister na nagbebenta ng iligal na baril at makumpiskahan pa ng droga habang tinangkang patakasin siya ng kanyang misis, kamakalawa ng gabi sa Navotas City.

Hima-rehas na ngayon ang mag-asawang sina Michael Cardenas, 34, isang data installer at si Jonalyn Cardenas, 34, online seller at kapwa nakatira sa No. 301D, Reyes St., Brgy. Bangkulasi, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng pulisya, ikinasa ng mga tauhan ng Northern Police District-Special Operations Unit ang buy-bust operation para masukol si Michael makaraan ang kumpirmadong ulat ng pagbebenta nito ng mga baril, dakong alas-11:40 ng gabi sa naturang lugar.

Habang nasa gitna ng transaksyon para sa pagbili ng isang kalibre .38 baril, nakahalata umano si Michael na pulis ang kanyang kaharap kaya agad siyang pumasok sa loob ng kanilang bahay.  Sinundan siya ng mga pulis at naabutan sa pinto ng kaniyang bahay ngunit pumagitna si Jonalyn at sinigawan ang mister ng, “Michael tumakbo ka na!”

Dito na ipinatupad ng mga pulis ang pag-aresto maging kay Jonalyn habang tuluyang naposasan si Michael.

Nakumpiska sa kanya ang isang kalibre .38 na baril at dalawang plastic sachet ng shabu na may street value na P15, 000.

Nahaharap na ngayon sa patung-patong na kaso ang mag-asawa.

TIMBOG
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with