Kapwa sinabi nina NBP spokesman Major Albert Tapiru at NCRPO Director P/Maj. Gen. Guillermo Elea­zar na ipagpapatuloy nila at tatapusin ang clearing operations na inumpisahan nila nitong nakaraang Miyerkules katuwang ang mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Department of Public Works and Highways (DPWH), Bureau of Fire Protection, at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
File
Clearing ops sa Bilibid, tuloy
Danilo Garcia (Pang-masa) - October 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi magpapasindak ang Bureau of Corrections (BuCor) at ang National Capital Regional Police Office (NCRPO) sa mga preso na may kagagawan ng pagsabog nitong Biyernes dahil ipagpapatuloy nila ang ginagawang clearing operations sa mga kubol at iba pang iligal na istruktura na itinayo sa loob ng maximum security compound ng New Bilibid Prisons, sa Muntinlupa City.

Kapwa sinabi nina NBP spokesman Major Albert Tapiru at NCRPO Director P/Maj. Gen. Guillermo Elea­zar na ipagpapatuloy nila at tatapusin ang clearing operations na inumpisahan nila nitong nakaraang Miyerkules katuwang ang mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Department of Public Works and Highways (DPWH), Bureau of Fire Protection, at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Iginiit ni Tapiru na hindi sila patatakot sa mga nasa likod ng pagpapasabog na maaaring nais silang sindakin para hindi ituloy ang pagbuwag sa mga kubol ng mga ma­yayamang bilanggo.

Ayon naman kay Eleazar na wala pang 1/4 ang nadadaanan ng kanilang clearing operations team sa Bilibid na may kabuuang lupain na 551 ektarya.

Sinabi ng heneral na tinutulungan nila ang BuCor at si Director General Gerald Bantag sa clearing operations dahil sa maka­tutulong ito sa pagsugpo sa pagkalat ng iligal na droga dahil sa mga kubol karaniwang nagaganap ang mga transaksyon ng mga drug lords.

Hindi lang BuCor ang tinutulungan nila sa proseso ngunti maging ang NCRPO sa kampanya sa iligal na droga. Nasa 90,000 na umano ang mga nahuhuli nila sa mga nakaraang buwan ngunit hindi pa rin masawata ang pagkalat ng iligal na droga dahil sa nakakapagpatuloy ng transaksyon ang mga sindikato kahit na nakakulong.

BUREAU OF CORRECTIONS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with