Sa salaysay ng isang saksi na nahanap ng NCRPO, sinabi niya na inutusan siya ni Castro, dating barangay chairman sa Sampaloc, Maynila, na humanap ng bayarang hitman para patayin si Valencia dahil sa atraso nito at binayaran siya ng P50,000 para sa trabaho.
File
‘Drug queen’ utak sa pagpatay ng ‘ninja cop’
Danilo Garcia (Pang-masa) - October 12, 2019 - 12:00am

Kinasuhan ng murder…

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) Director MajGen Guillermo Eleazar na ang tinaguring ‘Manila drug queen’ na si Guia Gomez Castro ang siyang utak sa pagpatay sa isang pulis na miyembro ng ‘ninja cops’ noong 2011.

Kasunod nito ay sinabi rin ni Eleazar na isinampa na nila ang kasong Murder sa Quezon City Pro­secutor’s Ofice laban kay Castro dahil sa pagiging mastermind sa pamamaslang kay PPat Roderick Valencia dahil sa pagkabigo ng biktima na mag-remit ng koleksyon niya sa napagbentahan ng ini-recycle na iligal na droga.

Sa salaysay ng isang saksi na nahanap ng NCRPO, sinabi niya na inutusan siya ni Castro, dating barangay chairman sa Sampaloc, Maynila, na humanap ng bayarang hitman para patayin si Valencia dahil sa atraso nito at binayaran siya ng P50,000 para sa trabaho.

Nakakulong ngayon sa Manila City Jail dahil sa kaso sa iligal na droga ang naturang saksi habang sinasabing pinatay din ang gunman ng mga tauhan ng drug queen ngunit hindi malinaw kung kailan at saan nangyari.

Ang naturang mga impormasyon ay mula umano sa nakalap ng NCR Quad Intel Force na binubuo ng NCRPO, National Bureau of Investigation, Philippine Drug Enforcement Agency at Philippine Army.

Bukod sa panibagong isinampang kaso, nahaharap din si Castro sa tatlong warrant of arrest sa iba’t-ibang korte dahil sa kaso sa iligal na droga, bouncing check at at BP 22.

GUILLERMO ELEAZAR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with