North Cotabato niyanig ng magnitude 5 na lindol
Angie dela Cruz, Rhoderick Beñez (Pang-masa) - October 12, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Niyanig ng 5.0 magnitude na lindol ang North Cotabato kahapon ng alas-9:55 ng umaga.

Ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang sentro ng pagyanig ay nasa may 027 kilometro ng timog kanluran ng  Makilala North Cotabato.

Ayon sa Phivolcs, may 016 kilometro ang lalim sa lupa ng pagyanig at tectonic ang ugat ng lindol.

Bunga nito, naramdaman ang pagyanig sa lakas na Intensity 5 sa Kidapawan City, Intensity 3 sa Pikit at Tupi, South Cotabato, Intensity 2 sa Alabel, Sarangani at Davao City at Intensity 1 sa Kiamba, Sarangani at General Santos City.

Ayon sa Phivolcs, wala pang ulat ng damage kaugnay ng naramdamang pagyanig pero inaasahan nila ang pagkakaroon ng aftershocks kaugnay ng lindol.

LINDOL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with