Itinuturo ni Gng. Lalaine Yuson, misis ng nasawing si Batuan, Masbate Vice Mayor Charlie Yuson III ang mga larawan ng suspek na umano ay mga tauhan ni Sandra Cam na bumaril at nakapatay sa kanyang mister.
Edd Gumban
Sandra cam idinawit sa Masbate vice mayor slay
Ludy Bermudo (Pang-masa) - October 11, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Deretsahang iti­nuro­ ng misis ng na­pa­­tay na si Ba­­tuan, Masbate Vice Mayor Charlie Yuson III na si Phi­lippine Charity­ Sweep­stake Office (PCSO) di­rector Sandra Cam ang nasa likod umano nang pamamaslang sa kanyang mis­ter naganap kamakalawa ng umaga sa Sampaloc, Maynila.

Ayon kay Gng. La­laine Yuson, na nagtu­ngo kamakalawa ng gabi sa Manila Police District-Station 5 kung saan na­kapiit ang apat na naares­tong mga suspek ay mga tao ni Cam.

“Mga tao po iyan ni Sandra Cam, ‘yung isa.. ’yung dalawa ‘yan (mga suspek) nakatira ‘yan sa resort sa Sandra’s Resort,” ani Gng Yuson.

Sa kabila nito, nagpahayag naman si Cam na wala siyang kinalaman sa pagkamatay ng bise-alkalde.

“I have nothing to do with the ambush,” ani Cam.

“It  is so unfair that our family is being dragged into this, we’ve move on from that election,” dagdag pa ni Cam.

Iginiit niya sa press statement na nakamove-on na sila sa pagkatalo sa eleksiyon ng anak niyang si Martin na tumakbo sa pagkamayor.

Nakaratay pa sa UST Hospital ang mga suga­tang sina Alberto “Pao­pao” Yuson, 23, pamangkin ng nasawi at ang equipment agent na katransaksyon umano ni Yuson sa binibiling back hoe na si Alfredo Pineda, 44, ng Caloocan City .

Magugunita, alas-8:45 ng umaga ay nag-aalmusal ang tatlong biktima nang sila ay pagbabarilin ng mga suspek na sakay ng van na naaresto sa isang checkpoint.

SANDRA CAM
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with