Ayon kay Baguio City Police Director Police Colonel Allen Rae Co, ang kaso ay isinampa ng kanilang himpilan at ng pamilya ni Darwin sa pangunguna ng nakatatandang kapatid nitong si Dexter Dormitorio laban sa mga akusado.
7 PMA cadet, 2 tactical officer at 3 doktor kinasuhan sa Dormitorio hazing
Joy Cantos (Pang-masa) - October 10, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kasong kriminal ang isinampa sa pitong kadete, dalawang tactical officers at tatlong doktor sa Philippine Military Academy (PMA) kaugnay ng pagkamatay sa hazing ni Cadet Darwin Dormitorio noong Set­yembre ng taong ito.

Ayon kay Baguio City Police Director Police Colonel Allen Rae Co, ang kaso ay isinampa ng kanilang himpilan at ng pamilya ni Darwin sa pangunguna ng nakatatandang kapatid nitong si Dexter Dormitorio laban sa mga akusado.

Kabilang sa mga kadeteng kinasuhan ay sina Cadet 1st Class Axl Rey Sanopao; Cadets 3rd Class Shalimar Imperial, Felix Lumbag Jr., Julius Carlo Tadena, John Vincent Manalo at Rey David John Volante gayundin si Cadet 2nd Class Christian Zacarias na kasalukuyang nasa stockade ng PMA habang ang mga pangunahing suspect na sina Sanopao, Lumbag at Imperial ay nasa “isolation area”.

Inasunto rin ni Dexter at ng Baguio City Police ang mga tactical officers ni Dormitorio na may pananagutan sa krimen na sina Major Rex Bolo, Tactics Group Senior Tactical Officer; at Captain Jeffrey Batistana, Tactical Officer ng Echo Company.

Ipinagharap din ng sakdal sa “dereliction of duty” ang tatlong doktor ng PMA Station Hospital na sina Colonel Cesar Almar Candelaria, Commanding Officer ng Phi­lippine Military Station Hospital; Captain Flor Apple Apostola at Major Ofelia Beloy

Magugunita na si Dormitorio ay nasawi matapos na isugod sa PMA Hospital noong Setyembre 18 kung saan tatlong beses na itong nagpabalik-balik sa nasabing pagamutan na noong una at ikalawa ay urinary track infection (UTI) ang findings at ang ikatlo ay namatay umano ito sa “cardiac arrest secon­dary to internal hemorrhage” na sinalungat ng medico legal ng PNP na napatunayan sa resulta ng pagsusuri na hazing ang ikinasawi ni Dormitorio.

HAZING PHILIPPINE MILITARY ACADEMY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with