Ayon pa kay Duque, talagang malakas ang presidente na sa tuwing may cabinet meeting ay nag-uumpugan na ang ulo ng mga miyembro ng gabinete sa antok o pagod, pero si Duterte ay tila walang kapaguran kaya natatapos na raw sila ng madaling araw.
The STAR/Joven Cagande
Sakit ni Duterte, hindi malala
Doris Franche-Borja (Pang-masa) - October 10, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Binigyang diin ni Health Secretary Francisco Duque na hindi malala ang sakit ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte matapos nitong ihayag na dumaranas siya ng sakit na Myasthenia Gravis.

Sinabi ni Duque, ang bagong sakit na binanggit ng pangulo ay dropping eye lid o Ptosis ang technical term na hindi seryoso at hindi makakasagabal sa productivity ng sinumang indibidwal na mayroon nito.

Bilib umano si Duque sa tibay ng presidente na galing pang Russia ay tumuloy sa mga commitment nito na hindi nakokober ng media gaya ng burol at iba pa na lahat ay nagagawa nito dahil stable naman ang kalagayan. 

Ayon pa kay Duque, talagang malakas ang presidente na sa tuwing may cabinet meeting ay nag-uumpugan na ang ulo ng mga miyembro ng gabinete sa antok o pagod, pero si Duterte ay tila walang kapaguran kaya natatapos na raw sila ng madaling araw.

Sa Buerger’s Disease naman ni Duterte, sinabi ni Duque na basta’t huwag nang magyoyosi ang pangulo at magkaroon lamang ng maayos na gamot ay okay na.

FRANCISCO DUQUE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with