^

Police Metro

35 babaeng Chinese nasagip sa Makati sex den

Danilo Garcia - Philstar.com
35 babaeng Chinese nasagip sa Makati sex den
Nagtatakip ng mukha ang mga babaeng Chinese workers nang salakayin ng mga pulis kamakalawa ng gabi ang isang hotel sa Makati City na nagsisilbing sex trade.

MANILA, Philippines — Nasa 35 babaeng Chinese ang nasagip sa loob ng isang hotel na nagsisilbing prostitution den sa Makati City, kamakalawa ng gabi.

Dinakip din ng mga pulis ang 21 banyagang kliyente na pinaniniwalaang mga Chinese na nagtatrabaho sa sektor ng Philippine offshore ga­ming operator (POGO).

Ayon kay Makati City police chief Rogelio Simon, na sila ay nakatanggap ng impormasyon na ang Maxx Hotel na nasa Makati Avenue, Brgy. ­Poblacion, Makati City na nagbukas noong 2018 ay ginagamit bilang sex den.

Naiulat din sa social media ang mga transactions na kung saan ang rate ng mga babaeng Chinese ay aabot ng mahigit P20,000 at hindi tumatanggap ang mga ito ng mga kustomer na Filipino.

Nasa 10 Pinoy na kawani ng hotel ang kasamang inaresto at wala umano silang alam na ginagamit ito sa sex trade dahil tagalinis lang sila ng mga kuwarto.

Natagpuan din ang iba’t ibang klaseng sex toys, mga sexy costumes, sex paraphernalia, tally board at libro kung saan inililista ang kanilang transaksyon.

Ito na ang ikaapat na pagsalakay sa mga sex den sa Metro Manila na pinatatakbo ng mga Chinese sa loob lamang ng 2 buwan.

Ang mga naaresto ay nahaharap sa kasong pag­labag sa Republic Act 10364 o Anti-Trafficking in Person Act of 2012.

vuukle comment

PHILIPPINE OFFSHORE GA­MING OPERATOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with