Mister inaway ni Misis, nagbigti

Mer Layson (Pang-masa) - October 6, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagbigti ang isang mister sa loob ng kanilang tahanan matapos umanong awayin ng kanyang kinakasama sa Barangay Mangahan, Pasig City kamakalawa ng gabi.

Ang bangkay ng biktimang si Gregorio Caguicla, 50, ay nadiskubre mismo ng kanyang anak na si John Wesley, sa loob ng kanilang tahanan sa Unit C, Block 62, Lot 5, KC 27 Kaayusan Street corner Kaluwagan Street, Karangalan Village, Barangay Mangahan.

Batay sa ulat ng Pasig City Police, dakong ala-6:30 ng gabi nang madiskubre ang bangkay ng biktima na nakabigti sa isang nylon cord sa konkretong kisame ng kanilang comfort room. 

Papasok sana umano ang anak ng biktima sa palikuran ngunit bumulaga ang nakabigting ama.

Kaagad namang ibinaba sa pagkakabigti ang biktima ngunit hindi na rin naisalba ang buhay nito.

Lumitaw sa imbestigasyon ng pulisya na bago ang insidente ay nag-away ang biktima at kaniyang kinakasama na hindi naman tinukoy kung ano.

Posible umanong labis na dinamdam ng biktima ang hindi nila pagkakaunawaan ng kanyang kinakasama kaya naisipan nitong magpatiwakal.

Gayunman, nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang pu­lisya para mabatid kung may foul play sa insidente.

SUICIDE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with