^

Police Metro

Bangkay ng lola ni-rape sa sementeryo

Rhoderick Beñez - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang bangkay ng 84- anyos na lola ang pina­niniwalaang ginahasa ng hindi pa kilalang suspek nang matagpuan ang bang­kay nito na hubad sa iba­baw ng kanyang nitso sa isang sementeryo sa Digos City Public Cemetery, Digos City, Davao del Sur.

Batay sa ulat ng pu­lisya, nagreklamo sa ka­nila ang kamag-anak ng ma­tapos na makita nila ang bangkay ng kanilang lola na si Isabel Bastatas na nasa itaas ng nito na walang underwear at binuksan ang libingan nito.

Nabatid na inilibing nitong Sabado si Bastatas­ sa Digos City Public Ce­metery at kinaumagahan ay tumungo sa libingan ang kamag-anak at bumulaga sa kanila ang walang saplot na katawan ng matanda at nakaekis pa ang paa nito.

Nagsagawa ng imbes­tigasyon ang pulisya upang mabatid ang totoong nangyari sa matanda matapos na isinailalim na sa interogasyon ang mga suspek na menor-de-edad na nahuli nitong Miyerkules.

vuukle comment

ISABEL BASTATAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with