5-anyos sinakal at ginahasa sa CamSur
Jorge Hallare (Pang-masa) - October 4, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Natagpuang patay ang isang 5-anyos na babae sa masukal na bahagi ng Brgy. Marangi, San Fernando, Camarines Sur nitong Miyerkules ng umaga.

Suot pa ng biktimang si Jasmine Rentoria ang kanyang uniporme, pero nakalilis na ang kanyang palda at hindi kalayuan, nakuha ang gamit niyang pink na bag at payong.

Ayon sa inang si Honeylyn Rentoria, hinatid niya ang bata noong Martes malapit sa day care center kung saan nag-aaral ang pangalawa sa 4 na anak.

Nasanay na umano kasi silang hindi hinahatid sa class­room ang biktima, dahil may 2 pa siyang maliit na anak na kailangang bantayan at mag-isa ang biktima na umuuwi.

Subalit, nang mag-alas 5:00 na ng hapon ay wala pa si Jasmin kaya’t kinutuban na si Honeylyn at hinanap sa mga kabarangay hanggang gabi.

Nitong Miyerkules ng umaga, nahanap ang bangkay ng anak sa tulong ng isang aso.

Ginahasa at sinakal ang biktima na siya nitong ikin­a­matay, batay sa autopsy report ng Camarines Sur Police Crime Laboratory.

May person of interest na ang San Fernando Police sa insidente.

RAPE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with