Mocha Uson balik gobyerno
MANILA, Philippines — Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang deputy executive director ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) si dating Usec. Mocha Uson kapalit nang nagbitiw na si Arnell Ignacio.
Nilagdaan ng Pangulo ang appointment ni Uson noong September 23, subalit kahapon lamang inilabas ang kopya. Si Uson ay nagbitiw noon bilang Assistant Secretary ng Presidential Communication Operations Office (PCOO).
Magugunitang hindi rin pinalad manalo ang partylist group ni Uson na AA Kasosyo nitong nakaraang eleksyon kung saan siya ay nominee.
Hindi naman sakop ng 1 year ban si Uson dahil partylist group ang tinakbuhan nito at hindi bilang indibidwal na kandidato sa nakaraang 2019 elections.
- Latest