Ayon kay Oaminal, ang GAB na ipinasa ng Kamara ay tumutugon sa mga repormang gustong maipatupad ng Pangulong Duterte kaya’t walang dapat ikabahala tungkol sa “pork,” ‘par­king ng pondo” o “insertions” sa budget.
File
Solon pinuna si Lacson at Drilon sa pagbatikos sa National Budget
(Pang-masa) - September 30, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Itinuturing ni Deputy Speaker Henry Oaminal, kinatawan ng 2nd district, Misamis Occidental na hadlang sa isinasagawang reporma ng bansa ang mga pagbabatikos na walang basehan nina Senators Ping Lacson at Franklin Drilon sa ipinasa ng Kamara de Represen­tante na national budget para sa 2020. 

Anya, may panahon para kilatisin ng Senado ang 2020 budget na ipinasa ng Kamara, kaya’t hindi dapat na magsabi ng kung anu-anong pahayag sina Lacson at Drilon na hindi naman nila kayang patunayan. 

Ipinagtataka ni Oaminal na hindi pa naita-transmit sa Senado ang General Appropriations Bill (GAB) na naglalaman ng panukalang national budget para sa 2020, ay panay na ang mga puna agad nina Lacson at Drilon.

Ayon kay Oaminal, ang GAB na ipinasa ng Kamara ay tumutugon sa mga repormang gustong maipatupad ng Pangulong Duterte kaya’t walang dapat ikabahala  tungkol sa “pork,” ‘par­king ng pondo” o “insertions” sa budget. 

Ang tinutukoy ni Oaminal ay ang naging pahayag nina Drilon at Lacson kamakailan tungkol sa diumano ay pagbabantay umano nila sa mga maanomalya na mga pagbabago na ginawa ng Kamara sa GAB para sa 2020 dahil sa pagkakaroon ng “small committee” para tanggapin ang mga amendments sa panukalang ito. 

Natatawa lang si De­puty Speaker Deogracias Victor Savellano, kinatawan ng 1st District ng Ilocos Sur kay Drilon dahil siya ay sinampahan ng kaso sa Ombudsman dahil sa overpriced ng Iloilo Convention na kung saan noong 2013 ay ibinuhos nito ang P200 milyon na kanyang “pork barrel” sa pagpapatayo ng nasabing convention.

Hiniling din ni Savellano kay Lacson na huwag gamitin ang Kamara para magpapogi sa publiko at paba­nguhin ang pangalan niya para pagtakbo nito sa 2022 presidential election.

NATIONAL BUDGET
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with