Drug suspect na lumaya, itinumba
Ludy Bermudo (Pang-masa) - September 30, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang 51-anyos na lalaki na may kasong droga at napalaya nang ito ay magpiyansa ang pinagbabaril ng anim na lalaki na sakay ng tatlong scooter sa kanto ng Simon at Algeciras Sts., malapit sa riles ng Philippine National Railways (PNR) sa Sampaloc, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Ang biktima na idineklarang dead on arrival sa ospital dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay kinilalang si Leo Pilapil, may-asawa, ng no. 1506 Algeciras St., Sampaloc, Maynila.

Sa ulat, alas-10:52 ng gabi ay nakatayo ang biktima sa nasabing lugar nang magsulputan ang anim na lalaki na sakay ng tatlong scooter at walang sabi-sabing pinagbabaril ang biktima.

Nang bumagsak ang biktima ay nagsitakas ang mga suspek patungo sa Cristobal Street.

Nabatid na matagal nang nasa listahan ng drug personalities ng Barangay 484, Zone 48, Sampaloc, Maynila ang napaslang na naaresto at nakulong sa Manila City Jail, subalit nakapagpiyansa kaya’t napalaya.

PHILIPPINE NATIONAL RAILWAYS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with