^

Police Metro

Naubusan ng pulutan kumatay ng 2 kainuman

Raymund Catindig - Pang-masa
Naubusan ng pulutan kumatay ng 2 kainuman
Sa salaysay ng mga saksi, bago naganap ang krimen dakong alas-10:00 ng gabi ay kapwa lasing na ang dalawang biktima at suspek sa kanilang pag-iinuman at dito ay nais pa ng huli na uminom.
File

MANILA, Philippines — Dahil umano sa inu­busan ng pu­lu­tan ay nagawang patayin ng isang karpintero ang dalawa nitong kainuman naganap kamakalawa sa Barangay Pasa, Ilagan City, Isabela.

Kinilala ang mga nasawing sina Rodel Versoza, 23; at Gerry Timbreza 34, pawang mga kanayon ng suspek na si Resty Mateo, 29.

Sa salaysay ng mga saksi, bago naganap ang krimen dakong alas-10:00 ng gabi ay kapwa lasing na ang dalawang biktima at suspek sa kanilang pag-iinuman at dito ay nais pa ng huli na uminom.

Subalit, inubos umano ng dalawang biktima ang kanilang pulutan at dito ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo hanggang kinuha ng suspek ang ginagamit na kutsilyo sa paghiwa ng kanilang pulutan at pinagsasaksak nito ang dalawang biktima.

Ang dalawa ay dinala sa ospital, subalit idineklarang dead on arrival. Habang ang suspek ay inaresto ng rumespondeng barangay tanod.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with