^

Police Metro

2 PMA cadets na-ospital sa hazing

Joy Cantos - Pang-masa
2 PMA cadets na-ospital sa hazing
Nakakarekober na ang katawan ng nasabing dalawang namaltratong kadete na 24 oras na binabantayan ng PMA Station Hospital na kapwa dumadaing ng matin­ding pananakit ng tiyan.
File

MANILA, Philippines — Nakaratay sa ospital ang dalawa pang kadete ng Philippine Military Academy (PMA) matapos na dumanas ng ha­zing.

Ito ang kinumpirma kahapon ni AFP Spokesman Brig. Gen. Edgard Arevalo na nagpapatuloy na nagpapagaling sa military hospital.

Habang patuloy ang imbestigasyon ay hindi muna pinangalanan ni Arevalo ang pangalan ng dalawang kadete na may ranggong 4th Class.

Ang dalawang kadete ay mga kaklase ng nasawi sa hazing na si Cadet 4th Class Darwin Dormitorio, 20, na binawian ng buhay noong Setyembre 18 ng taong ito.

“Two other fourth class cadets from the pma are now confined at a military hospital, one of them was admitted in 17 September and the other was admitted in 21 September  both incidents sadly are suspected to be maltreatment cases (hazing),” pahayag ni Arevalo.

Natukoy na ang mga upperclassmen ng dalawang na-hazing na kadete na kasaluku­yang nasa PMA Holding Center habang iniimbestigahan.

Nakakarekober na ang katawan ng nasabing dalawang namaltratong kadete na 24 oras na binabantayan ng PMA Station Hospital na kapwa dumadaing ng matin­ding pananakit ng tiyan.

Sa kaso ng hazing, sinabi ni Arevalo na anim ang nahaharap sa kasong administratibo, apat ang posibleng mapatalsik sa akademya, isa ang nahaharap sa class 1 offense o ang pinakamataas na ka­tegorya ng kaparusahan na ipinapataw sa mga nagkakasalang kadete. 

vuukle comment

PHILIPPINE MILITARY ACADEMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with