^

Police Metro

Oil price hike lumarga

Danilo Garcia - Pang-masa
Oil price hike lumarga
Inaasahan naman na susunod na magpapatupad ng big time oil price hike ang ilan pang malalaki at maliliit na kompanya ng langis sa bansa sa kahalintulad na halaga.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Ang nagaganap na pag-atake sa dalawang planta ng krudo sa Saudi Arabia ang itinuturong dahilan ng malakihang “oil price hike” ng mga kompanya ng langis.

Pinangunahan ng Pilipinas Shell, Petro Gazz, Total, Phoenix Petroleum Philippines, PTT Phi­lippines at Chevron ang dagdag presyo na P2.35 sa kada litro ng gasolina, P1.80 kada litro ng diesel, at P1.75 sa kada litro ng kerosene epektibo nga­yong alas-6:00 ng umaga.

Inaasahan naman na susunod na magpapatupad ng big time oil price hike ang ilan pang malalaki at maliliit na kompanya ng langis sa bansa sa kahalintulad na halaga.

Magugunita na nito lamang nakaraang linggo ay nagpatupad ng oil price hike ang mga kompanya ng langis sa bansa na P1.35 sa kada litro ng gasolina, P0.85 kada litro ng diesel, at P1.00 sa kada litro ng kerosene.

Una nang tiniyak sa publiko ng DOE na may sapat na suplay ang bansa ng krudo dahil sa imbentaryo na tatagal ng isang buwan.

Kinondena ng iba’t ibang sektor ang malaking pagtataas dahil sa argumento na hindi pa dapat magpatupad ng pagtataas ang mga kompanya dahil sa dapat ibase pa ang pres­yo sa mga buffer stock.

vuukle comment

OIL PRICE HIKE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with