^

Police Metro

Road accident: 5 katao patay sa North Cotabato

Rhoderick Beñez - Pang-masa

MANILA, Philippines — Limang katao ang naiulat na nasawi kabilang ang isang barangay chairman sa naganap na magkahiwalay na aksidente sa lalawigan ng North Cotabato.

Sa Brgy. Singkatulan, Makilala, North Cotabato ay nasawi sina Ruel Laureata, Jonathan Doceo, 17; at Garry De Asis, 35, kapwa taga Mlang matapos ang sinasakyan nilang motorsiklo ay sumalpok sa puno na nasa tabi ng national highway dakong ala-1:30 ng madaling araw.

Sa ulat, binabaybay ng motorsiklo na minamaneho ni Laureta, sakay ang dalawa pang biktima ang daan patungong Mlang at dito ay sinubukan nitong mag-overtake sa isa pang motorsiklo hanggang sa nawalan ng kontrol at bumangga sa puno ng Talisay.

Batay pa sa imbestigasyon na nakainom ng alak si Laureta pauwi sa Mlang nang mangyari ang aksidente.

Patay din ang mga biktimang sina Brgy. Buliok, Pagalungan Chairman Kisay Mamalasagat at kawani ng local governtment office na si Allan Anta matapos ang sinasakyan nilang kotse ay sumalpok sa isang pampasaherong bus sa national highway ng Brgy.Bialong, Mlang, North Cotabato dakong alas-8:10 ng umaga.

Nasugatan sa insidente sina Sengko Macadcaid, Barangay Secretary ng Buliok, Pagalungan; at Johaiden Manonsol, kawani ng LGU Pagalungan.

Sa ulat, bago nangyari ang aksidente ay sakay ang mga biktima ng Toyota Vios (ZLJ-809) at binabaybay ang nasabing highway patungo sana sa bayan na Matalam nang ito umano ay mabilis na nag-overtake at huli na bago nakita ang kulay pulang Rural Tour Bus na nakatigil at nagsasakay ng pasahero at sumalpok ito.

vuukle comment

ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with