^

Police Metro

Paslit dumungaw sa bintana ng sasakyan, napisak ang ulo

Raymund Catindig - Pang-masa

MANILA, Philippines — Agad namatay ang isang 3-anyos na batang lalaki na anak ng isang pulis nang mapisak ang ulo nito matapos du­mu­ngaw sa bintana ng sinasakyang trak ng PNP, kamakalawa sa Mt. Sto. Tomas. Poblacion, Tuba, Benguet.

Ang nasawi ay kinila­lang si Cherye Cleveland Figueras, anak ni P/SSg Generosa Feguiras na nakatalaga sa Regional Mobile Force Battalion ng Cordillera Police Office.

Sa imbestigasyon, bago nangyari ang aksidente dakong alas-3:52 ng hapon ay katabi ni PSSg Figueras ang anak nito palabas ng kampo sakay ng Isuzu Flexi Truck na minamaneho ni P/Cpl Eric Accatan, 29 patungong Baguio City nang idu­ngaw umano nito ang ulo sa kaliwang bintana nang ito ay tumama sa pader at napisak.

Ang bata ay dinala sa Baguio General Hospital kung saan ito idineklarang patay.

Ang ina at ang driver na si Accatan ay isinailalim sa kustodiya upang malaman kung may pananagutan ang mga ito.

vuukle comment

PULIS MAPISAK ANG ULO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with