Inihayag ng Baguio Police na kanila nang kinokonsidera na mga suspek ang tatlong third class cadets na itinuring dati na mga “persons of interest” sa hazing ni Darwin Dormitorio, 20, na namatay noong Miyerkules dahil sa naranasang sakit sa sikmura.
Darwin Dormitorio FB Page
3 kadete suspek sa hazing ng PMA cadet
Gemma Garcia (Pang-masa) - September 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pawang mga suspek na ang tatlong kadete na unang itinuring na “persons of interest” sa pagkamatay sa hazing ng isang kadete ng Philippine Military Academy noong nakaraang linggo.

Inihayag ng Baguio Police na kanila nang kinokonsidera na mga suspek ang tatlong third class cadets na itinuring dati na  mga “persons of interest”  sa hazing ni Darwin Dormitorio, 20, na namatay noong Miyerkules dahil sa naranasang sakit sa sikmura.

“We might add some more cadets depende sa lalabas sa investigation natin if they are involved directly or indirectly,” wika Police Col. Allen Rae ng  Baguio Police

“Meron pa tayong 2 more persons of interest. Meron na kasing corroborating evidence as well as testimonies at nagbigay ng statements which tends to prove yung culpability nila.”

Tinitingnan din ng mga otoridad ang posibilidad na si Dormitorio ay una nang nagulpi nang ito ay ma-confine sa ospital ng dalawang beses sa loob ng nakalipas na buwan ng Agosto.

“As of now ang official na ano natin ay malfunctioning ‘yung CCTV sa barracks kung saan allegedly nangyari ‘yung maltreatment pero will still trying to coordinate sa PMA,” pahayag ni Rae.

Ang labi ni Dormitorio ay dadalhin sa kanyang bayan sa Cagayan de Oro sa Sabado.

“We will make sure na walang cover-up at nakita natin ang tunay na nangyari. And then we will institute measures on how to prevent this kind of incident,” pagwawakas ni Rae.

DARWIN DORMITORIO PHILIPPINE MILITARY ACADEMY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with