Kabilang sa mga nagpahayag ng suporta sa isi­nagawang pagtitipon sa Padre Faura ang dating Commission on Human Rights chair na si Etta Rosales.
Philstar.com/Efigenio Toledo IV
VP Leni suportado ng iba’t ibang sector sa election protest
(Pang-masa) - September 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa gitna ng protestang inihain ni Bongbong Marcos ay mas lalong lu­mawak pa ang iba’t ibang sector na sumusuporta kay Vice President Leni Robredo. Panawagan ng mga sector sa Korte Suprema, na nagsisilbing Presidential Electoral Tribunal, tapusin na sa lalong mada­ling panahon ang kasong walang basehan.

Isa sa mga grupo ay ang Bantay Nakaw Coaltion na nagtipon tipon sa harap ng Korte Suprema noong Martes at kanilang isinisigaw na si VP Robredo ang tunay na panalo sa nakaraang 2016 elections.

Giit nila, dapat nang maresolba ang kaso nga­yong nakita sa initial recount na mas dumami pa ang boto para kay Robredo, sa tatlong probinsyang pinili mismo ni Bongbong para sana patunayan ang alegasyon niyang nagkadayaan noong halalan ng 2016.  

Kabilang sa mga nagpahayag ng suporta sa isi­nagawang pagtitipon sa Padre Faura ang dating Commission on Human Rights chair na si Etta Rosales. 

“Tuluy-tuloy na pakikipaglaban, tuluy-tuloy na pagsuporta sa tunay na panalo at hindi umano dapat mayanig ang mga paandar ni Marcos sa Korte Suprema dahil ang Bise Presidente ng Pilipinas ay walang iba kundi si Leni Robredo”, ani Kilos Maralita lead convenor Manny Manato.

LENI ROBREDO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with