Ayon sa impormasyon ng mga kongresista nasa 15 porsyento lamang na halaga sa kabuuang P33-milyon ang natanggap ng pamilya ng mga testigo.
Edd Gumban
P33-M reward sa Batocabe slay hinahanap kay Albayalde ng solon
Jorge Hallare (Pang-masa) - September 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hinihingan ng paliwanag ni Ako Bicol party­list Rep. Alfredo Gabin Jr., si PNP Chief Director General Oscar Albayalde kung saan napunta ang P33 milyong pisong reward sa anim na sumukong gunmen na tumestigo kay da­ting Daraga, Albay Mayor Carlwyn Baldo na itinuturong utak sa pagpatay sa dati nitong kasamahan na si Rodel Batocabe noong Disyembre 22.

Sinabi ni Garbin Jr., dapat na magkaroon umano ng transparency at kailangang ilantad ni Albayalde kung saan napunta ang premyo sa mga tumestigo laban kay Baldo.

May kabuuang P33-milyong piso ang napa­sakamay umano ni Alba­yalde kung saan nagmula ang P20-milyong piso kay Presidente Rodrigo Duterte at P13-milyong piso mula naman sa kontribusyon ng mga kongesista na dating miyembro ng 17th Congress.

Hinahanapan ngayon ang liderato ng PNP ng mga kongresista matapos malamang ‘kakapiranggot’ na bahagi lamang ang natanggap ng pamilya ng anim na mga umaming gunmen at tumestigo laban kay Baldo kung saan karamihan sa kanila ay nag-retract (nagbago) ng statement dahil sa ‘nadismaya’ makaraang umasa na malaking bahagi ang mapupunta sa kanila.

Ayon sa impormasyon ng mga kongresista nasa 15 porsyento lamang na halaga sa kabuuang P33-milyon ang natanggap ng pamilya ng mga testigo.

RODEL BATOCABE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with