Maging si Justice Secretary Menardo Guevarra ay kinausap na rin ni Sen.Go para bilisan ang pag-review sa pagbibigay ng “parole” sa mga matatandang bilanggo na ang iba sa kanila ay natapos na ang kanilang sentensiya.
File
Sen. Go inatasan ang DOH na bigyan ng gamot ang mga preso sa Bilibid
Rudy Andal (Pang-masa) - September 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — “Bigyan ng gamot at padalhan ng dialysis machines ang mga matatanda at may sakit na preso sa New Bilibid Prison (NBP)”.

Ito ang utos ni Senator Christopher Lawrance ‘Bong’ Go, na chairman ng Senate Committee on Health sa pamunuan ng Department of Health (DOH) dahil sa  kalunus-lunos ang kalagayan ng mga bilanggo na tunay na may karamdaman na walang pampagamot dahil sa kahirapan sa buhay.

“Ang problema pa,  walang mga gamot at kumpletong gamit ang infirmary ng NBP sa Muntinlupa kaya hindi nagagamot ang sakit nila na karaniwan ay ipinapasa Diyos na lamang nila”, ayon kay Go.

Kinausap ni Go si DOH Sec. Francisco Duque at nangako naman ang kalihim na magpapadala agad ng mga gamot sa naturang bilangguan kabilang na ang mga “maintenance medicine” at dialysis machine para sa mga matatandang at may sakit na inmate.

“Sila ang mga dapat at tunay na nasa ospital para magamot at hindi yung mga high profile inmate at mga drug lords ang binibigyan ng hospital leave para lang makalabas ng kulungan at magpa­sarap doon” pahayag pa ng senador.

Maging si Justice Secretary Menardo Guevarra ay kinausap na rin ni Sen.Go para bilisan ang pag-review sa pagbibigay ng “parole” sa mga matatandang bilanggo na ang iba sa kanila ay natapos na ang kanilang sentensiya.

“Ito rin kasi ang gusto ni Pangulong Duterte na palayain na yung mga 70 at 80 years old na mga inmate na nagdusa na sa piitan para makasama naman nila ang kanilang pamilya sa huling yugto ng kanilang buhay” sabi pa ng Senador.

NEW BILIBID PRISON
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with