Dakong alas-4:30 ng madaling araw nang mapatay ang isang alias Tonio sa isinagawang buy-bust sa Brgy. San Roque, bayan ng San Rafael at nasamsam dito ang isang cal .38 revolver, 8 plastic sachet ng shabu ay buy-bust money.
File
Bulacan drug ops:3 todas
Omar Padilla (Pang-masa) - September 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Napatay ang tatlong hinihinalang mga drug pusher sa magkakahiwalay na anti-illegal drug operation sa tatlong bayan ng lalawigan ng Bulacan.

Sa bayan ng San ­Ildefonso, napatay si Ben Angelo Tacadena, nasa hustong gulang, matapos na manlaban sa mga pulis sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Maasim dakong alas 4:00 ng madaling araw.

Narekober dito ang isang cal.38 revolver, anim na plastic sachet ng shabu at buy-bust money.

Dakong alas-4:30 ng madaling araw nang mapatay ang isang alias Tonio sa isinagawang buy-bust sa Brgy. San Roque, bayan ng San Rafael at nasamsam dito ang isang cal .38 revolver, 8 plastic sachet ng shabu ay buy-bust money.

Napatay naman sa bayan ng Plaridel si Melvin Padoje­laga, 20, ng Brgy. Sta. Ines matapos na maki­pagbarilan sa mga pulis sa isinagawang buy-bust operation sa Sitio Dapdap, Brgy. Banga 1st dakong ala-1: 20 kahapon ng madaling araw at narekober ang isang cal .38 revolver, 16 na plastic sachet ng pinatu­yong dahon ng marijuana at buy-bust money.

ILLEGAL DRUG
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with