Empleyado dinedo, payroll money tinangay ng tandem
Danilo Garcia (Pang-masa) - September 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang empleyado ng isang travel agency makaraang barilin ng dalawang lalaki na magkaangkas sa isang motorsiklo, kamakalawa ng hapon sa Parañaque City.

Ang nasawi ay kinilalang si Michael Angelo Manuad, nasa hustong gulang at tauhan ng isang travel agency na may tanggapan sa Matthew St., Multinational Village, Parañaque City.

Sa ulat ng Parañaque City Police, dakong ala-1:35 ng hapon nang maganap ang krimen sa may Macapagal Ave., Brgy. Tambo, ng naturang lungsod.

Mag-isang naglalakad ang biktima sa gilid ng City of Dreams Hotel and Casino at bitbit ang isang bag na naglalaman ng payroll money ng kanilang kumpanya na aabot sa P900K 

Dito ay hinarang siya ng dalawang salarin at agad na binaril saka tina­ngay ang dalang bag na naglalaman ng pera.

Agad namang tumakas ang mga suspek sa hindi nabatid na direksyon matapos maisagawa ang pakay.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente kung saan pa­ngunahing tinitignan na nagkaroon ng inside job o may nagbigay ng impormasyon sa mga salarin na may dalang malaking halaga ng pera si Manuad.

KRIMEN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with