^

Police Metro

Buy-bust: 4 ‘tulak’ tepok

Joy Cantos, Omar Padilla - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tumimbuwang ang apat na sinasabing ‘tulak’ ng droga matapos umanong manlaban sa mga otoridad sa isinagawang drug bust operation sa San Jose del Monte City,  Bulacan, nitong Biyernes at kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga napatay na sina John Frederick Mallo alyas “Jhay-Jhay Mallo”, nasa PDEA-PNP drug watchlist; Eugenio Lopez alyas “Enyong”; isang alyas “Van”; at isa pang alyas “Jay”.

Sa ulat, dakong alas-12:45 ng madaling araw ng Sabado nang isagawa ang operasyon sa Blk. 14, Lt. 5, Brgy San Rafael ng lungsod.

Gayunman nakahalata ang tatlong target na sina Lopez, Van, at Jay na pulis ang  kanilang ka-deal kaya agad nagpaputok ng baril na humantong sa shootout na nagresulta sa pagkamatay ng tatlo.

Narekober sa operasyon ang dalawang improvised shot gun na may 12 gauge cartridge, isang cal 38 revolver, 19 sachet ng shabu, tatlong cal.23 cartridge, anim na cartridge ng cal 9 MM.

Bago ito, kamakalawa dakong  ala-1:40 ng mada­ling araw  ay nakabarilan din ng mga otoridad sa Sitio Paculis  Brgy. Gaya-gaya ng lungsod ang pusher na si Mallo matapos itong manlaban pero nakatakas ang isa nitong kasamahan.

Nakumpiska sa operasyon ang isang cal 9 MM na may tatlong bala at siyam na plastic sachet ng iligal na droga.

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with