Briton utas sa plane crash
Joy Cantos (Pang-masa) - September 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang pilotong Briton ang nasawi matapos mag-dive sa isang palayan ang pinalilipad nitong eroplano naganap sa Brgy. Lapaz Turu, Arayat, Pampanga, nitong Biyernes ng hapon.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Mark Hogget, 55, may asawa, at residente ng Camella Homes, Tarlac City.

Sa ulat ng Pampanga Police, dakong alas-3:00 ng hapon habang pinalilipad ng biktima ang isang two-seater white quick Silver Ultra aircraft na may body number RPS2785 na pag-aari ng Angeles Flying Club nang mangyari ang trahedya sa lugar.

Ang insidente ay inireport sa Arayat Police bandang alas- 4:45 ng hapon ng kapitan ng barangay sa nasabing lugar matapos na makita ng mga residente sa kanilang barangay ang pagbulusok ng nasabing aircraft sa palayan.

Agad namang nagresponde sa lugar ang mga operatiba ng pulisya at narekober ang bangkay ng biktima sa crash site.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa naturang kaso.

PLANE CRASH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with