Freelance DJ, 3 pa tiklo sa shabu
MANILA, Philippines — Arestado ang isang freelance disc jockey sa radyo at tatlong iba pa na kasama nito sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Project 8, Quezon, kamakalawa ng gabi.
Ang mga suspek ay kinilala ni NCR-PDEA Regional III, Joel Plaza, na sina Marieto Laurino, 40, alyas “DJ Papa Tolits”; Arbie Yu Chua, 36, cellphone technician; Winnie Hunter, 31, procurement officer at Louwy Manabat, 40, call center supervisor.
Sinabi ni Director Plaza, ang apat ay naaresto dakong alas-9:00 ng gabi sa 28 Finance St., Brgy. Bahay Toro, Project 8, sa lungsod matapos na makipag-transaksiyon sa kanila ang isang PDEA agent na tumayong buyer ng droga.
Nakumpiska sa mga suspek ang 25 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P170,000, drug paraphernalias, identification cards, passports at buy-bust money.
Nahaharap na sa kasong paglabag sa RA 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.
- Latest