Dead-on-the-spot dahil sa mga tinamong tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Jesus Acpal, 68, may-asawa, at nakatira sa Blk. 46, Lt. 46, C. Arellano St., Katarungan Village, ng nasabing lugar.
File
Abogado nirapido sa harap ng bahay
Danilo Garcia (Pang-masa) - September 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang abogado na dating police colonel ang pinaslang matapos pagbabarilin ng isang ‘di pa natutukoy na suspek habang nasa labas ng kanilang ta­hanan sa Brgy. Poblacion, Muntinlupa City, kahapon ng madaling araw.

Dead-on-the-spot dahil sa mga tinamong tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Jesus Acpal, 68, may-asawa, at nakatira sa Blk. 46, Lt. 46, C. Arellano St., Katarungan Village, ng nasabing lugar.

Sa ulat ng Parañaque City Police, kararating lang ni Acpal at ng kanyang anak na lalaki sa kanilang bahay sakay ng kanilang Toyota Fortuner dakong ala-1:05 ng madaling araw, nang bumaba ito sa kotse upang buksan ang gate ay biglang sumulpot ang suspek at walang sabi-sabing pinaulanan ng bala ang biktima hanggang sa duguang bumulagta.

Agad namang tumakas ang gunman sa hindi nabatid na direksyon.

Narekober sa crime scene ng mga otoridad ang 11 napaputok na cartridge buhat sa kalibre 45 baril.

Ayon sa anak ng biktima, wala silang alam na kaaway ang kanyang ama habang pribado naman umano ang mga kaso na hinahawakan nito sa korte.  Wala ring natatanggap na pagbabanta sa buhay ang biktima bago ang pamamaslang.

Patuloy ang masusing imbestigasyon ng pulisya sa naturang kaso.

GUNS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with