Nigerian na sangkot sa online scam napatay ng NBI
Ludy Bermudo (Pang-masa) - September 21, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Idineklarang dead-on-arrival sa ospital ang Nigerian na si Okoroike Harrison Chibuke nang ito ay mabaril matapos manlaban sa mga umarestong ahente ng National Bureau of Investigation nitong Martes sa Bacoor City, Cavite

Sa ulat, bago nangyari ang insidente ay nagtungo ang mga NBI sa bahay nina Chibuke at Eduard Pacedes Godeloson,sa 135 St., Michael Subdivision, Talaba 7, Bacoor City upang isilbi ang search warrant dahil sangkot ang dalawa sa online scam.

Dito ay sinalubong ni Godeloson na nagpakilalang sundalo sa mga NBI at binawalan na magsagawa ng operasyon dahil ang kanyang unit ay nagsasagawa rin ng operasyon.

Namataan ng NBI si Okoroike na patakbo sa motorsiklo ni Godeloson para  itakas kaya nilapitan at kapwa inaresto.

Habang hawak ang dalawa ay nagwala ang dayuhan  kaya napilitan siyang paputukan ng mga operatiba at nang sugatan na ay dinala sa pagamutan subalit idineklarang dead-on-arrival.

Nakadiskubre naman sa cellphone ni Okoroike na may mga mensahe at transaksiyon na nagpapatibay na magkapartner sa iligal na aktibidad ang dalawa.

NBI
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with