Sinabi ni Justice Undersecretary Markk Pe­rete, may pagkakamali sa listahan dahil 40 persons deprived of liberty (PDLs) ay hindi dapat na kasama sa listahan ng GCTA dahil ginawaran na sila ng parol.
File
BuCor nagkamali sa inilabas na GCTA list... Pag-aresto sa mga lumayang convicts, itinigil
Danilo Garcia, Joy Cantos, Doris Franche-Borja (Pang-masa) - September 21, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Makaraang makitang nagkamali ang isinumiteng listahan ng Bureau of Corrections (BuCor) ay pinatitigil ng Department of Justice sa mga pulis ang muling pag-aresto sa mga napalayang convicts dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA).

Sinabi ni Justice Undersecretary Markk Pe­rete, may pagkakamali sa listahan dahil 40 persons deprived of liberty (PDLs) ay hindi dapat na kasama sa listahan ng GCTA dahil ginawaran na sila ng parol.

Pero, kapag nalinis na at naberipika na ang listahan ng napalayang mga convicts sa GCTA ay itutuloy ang pag-aresto sa mga ito.

Paliwanag ni Justice Secretary Menardo Guevarra, kailangan na munang maayos at malinis ang listahan dahil posibleng malagay sa peligro ang buhay ng mga PDL at mga pulis na aaresto.

Idinagdag pa ni Guevarra na ire-recompute nila ang GCTA ng mga sumukong PDLs upang malaman kung ang mga ito ay kasama o hindi sa 2013 GCTA law. 

Naging kontrobersiya ang GCTA nang mabunyag ang planong pagpapalaya sa convicted rapist/killer na si dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez.

Sa datos ng BuCor ay nasa 1,914 heinous-crime convicts ang napalaya ng  GCTA law simula pa 2014.

Bagama’t sinimulan na rin  kahapon ng pulisya ang pag-aresto sa mga convicts ay itinigil muna nila batay sa utos ng DOJ.

BUREAU OF CORRECTIONS GOOD CONDUCT TIME ALLOWANCE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with