^

Police Metro

Tracker team idineploy vs convicts na hindi sumuko

Joy Cantos - Pang-masa
Tracker team idineploy vs convicts na hindi sumuko
Sinabi ni PNP Spokesman Police Brig. Gen. Bernard Banac, dakong alas-12 ng hatinggabi (Set­yembre 19) ay ituturing nang mga pugante ng batas ang mga convicts na hindi susuko sa mga otoridad.
The STAR/Krizjohn Rosales

MANILA, Philippines — Sisimulan na ng Philippine National Police ng kanilang binuong tracker team ang pagtugis sa 600 pang crime convicts na napalaya sa “good conduct” na hindi sumuko matapos ang 15-araw na deadline ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni PNP Spokesman Police Brig. Gen. Bernard Banac, dakong alas-12 ng hatinggabi (Set­yembre 19) ay ituturing nang mga pugante ng batas ang mga convicts na hindi susuko sa mga otoridad.

Sa tala ng Department of Justice (DOJ) nasa 1,334 na ang mga nagsisuko na convicts kung saan 579 dito kabilang ang mga sangkot sa heinous crimes ay sumuko sa PNP habang ang iba pa ay dumeretso sa Bureau of Corrections (BuCor).

Una nang nagbigay ng ultimatum na hanggang Setyembre 19 si Pangulong Duterte upang su­muko ang nasabing mga convicts at kung hindi ay ipag-uutos ang shoot to kill order laban sa mga ito bukod pa sa naglaan din ng P1-M reward na magmamatigas na magbalik selda.

Nasa 106 ang ipina­kalat na tracker teams ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) upang tugi­sin ang mga convicts ka­bilang ang may kaso ng heinous crimes.

Matatandaan na na­ging mainit ang isyu ng “good character time allowanc”(GCTA) matapos sumingaw ang nakatakdang pagpapalaya sana sa convicted rapist murderer na si dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez na nahatulan ng panggagahasa at pagpatay kay UP-Los Baños student Eillen Sarmenta at sa kaibigan nitong si Allan Gomez noong 1993.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with