Kinompronta ni Makati City police chief P/Col. Rogelio Simon ang rapper na si Loonie matapos itong maaresto kasama ang apat na iba pa sa isang buy-bust operation kamakalawa ng gabi sa parking lot ng isang hotel sa lungsod.
Miguel De Guzman
Rapper, 4 pa tiklo sa marijuana
Danilo Garcia (Pang-masa) - September 20, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang sikat na fliptop rapper at apat nitong kasama ang naaresto ng mga otoridad sa isang buy-bust operation sa parking area ng isang hotel sa Makati City, kamakalawa ng gabi.

Ang mga nadakip ay kinilalang sina Marlon Pe­roramas, alyas “Loonie”, 33, may-asawa, rapper, at nakatira sa No. 313 East Raya Gardens, Pasig City; David Rizon, 35; Ivan Agustin, 26; Idyll Liza Peroramas, 28 at Albert Alvarez, 57.

Sa ulat, alas-8:45 ng gabi nang ikasa ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit ang buy-bust sa basement par­king ng Herald Suites Polaris sa No. 45 Polaris Street, Brgy. Poblacion, ng naturang lungsod.

Nang magkabayaran para sa pagbili ng “high-grade marijuana” o mas kilala sa tawag na “Kush”, nagbigay na ng senyales ang buyer dahilan para sumulpot ang mga pulis at inaresto ang lima.

Nakumpiska sa mga suspek ang 15 piraso ng self-sealing plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang Kush na may halagang P105,000; P6,000 boodle marked money, isang Subaru SUV, at mga personal na gamit ng mga suspek.

Si Loonie ay nakilala sa mga rap niyang “Pilo­sopo” at “Tao Lang”.

MARIJUANA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with