Sa ulat, bago nangyari ang aksidente bandang alas-10:35 ng umaga ay sakay ang mga biktima sa forward truck (WNN-207) at pauwi na sa kanilang tahanan sa bayan ng Surralah mula sa night swimming sa isang beach resort sa Ge­neral Santos City.
File
Trak swak sa bangin: 20 patay
Joy Cantos, Rhoderick Beñez (Pang-masa) - September 18, 2019 - 12:00am

Galing sa paliligo sa beach...

MANILA, Philippines — Nauwi sa trahedya ang katatapos na beach outing ng isang magka­kamag-anak matapos masawi ang 20 katao habang 9 ang nasuga­tan­ nang mahulog sa ba­ngin kahapon ng umaga ang sinasakyan nilang forward truck sa highway ng Brgy. Lambagan, T’boli, South Cotabato.

Ayon sa pulisya, 14 sa mga biktima ay namatay sa lugar ng pinangyarihan habang ang anim ay namatay sa ospital.

Sa ulat, bago nangyari ang aksidente bandang alas-10:35 ng umaga ay sakay ang mga biktima sa forward truck (WNN-207) at pauwi na sa kanilang tahanan sa bayan ng Surralah mula sa night swimming sa isang beach resort sa Ge­neral Santos City.

Habang binabaybay ang highway ng Brgy.Lamsalome ay nagka­aberya ang makina ng trak at nawalan ng kontrol sa manibela ang dri­ver at diretso itong nahulog sa bangin na kung saan ay paikot-ikot ang trak.

Nahirapan ang res­cue­ team sa retrieval at search operation dahi­lan masyadong malalim ang bangin na kinahu­lugan ng nasabing truck. Patuloy ang imbes­ti­gas­yon ng pulisya sa kaso.

MAHULOG SA BA­NGIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with