Iprinisinta sa media ni NCRPO Director P/Major General Guillermo Eleazar­ ang nasa 30 kilo ng shabu na may street value na P204 milyon na nakumpiska nila sa isang suspek (katabi ni Eleazar) sa isinagawang drug raid sa condo unit nito sa Pasig City, kamakalawa ng gabi.
P204-M shabu nasamsam sa Pasig condo
Mer Layson, Danilo Garcia (Pang-masa) - September 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Aabot sa 30-kilo ng hinihinalang shabu, na may es­ti­mated street value na P204 milyon ang nakumpiska ng mga otoridad mula sa isang drug suspect sa isang raid sa inuupahan nitong condo unit sa Brgy. Rosario, Pasig City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Manolito Lugo Carlos, alyas ‘Lito’ at ‘Tonge’.

Sa ulat ng pulisya, alas-7:40 ng gabi nang salakayin ng mga otoridad ang inuupahang unit ng suspek sa C. Raymundo Ave­nue ng nasabing lugar.

Narekober ng mga otoridad mula sa suspek ang may 30 malalaking plastic packs ng Chinese tea na ang bawat plastic pack ay naglalaman ng isang kilo ng hinihinalang shabu o kabuuang 30 kilos.

Nakakumpiska rin ang mga iba’t ibang drug paraphernalia, bank deposit slips, na may naka­lagay na malalaking ha­laga ng remittances, na sinasabing bayad para sa ilegal na droga.

Lumitaw na ang suspek ay isang high value target at miyembro ng isang drug syndicate na sangkot sa illegal drug trade sa Metro Manila, Region 3 at Calabarzon.

Taong 2000 umano nang unang maaresto ang suspek sa kasong ilegal na droga ngunit pinawalang-sala ng isang hukuman sa Mandalu­yong.

Ayon naman kay NCRPO Chief, PMGen. Guillermo Lorenzo Elea­zar, konektado si Carlos sa isang napatay na suspek sa isang buy-bust operation sa Quezon City noong Linggo, na sinasabing may kontak na drug lord, na kahit nagsisilbi ng sentensiya sa New Bilibid Prison (NBP) ay tuloy pa rin sa kanyang ilegal na aktibidad.

ILLEGAL NA DROGA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with