Obrero na dumukot at pumatay sa 5-anyos na babae, timbog
Joy Cantos, Omar Padilla (Pang-masa) - September 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bumagsak na kahapon sa kamay ng pulisya ang isang 24-anyos na obrero na dumukot at pumatay sa isang 5-anyos na batang babae noong Linggo ng madaling araw sa San Jose del Monte City, Bulacan.

Ang nadakip na suspek ay kinilalang si Eman Lambuhon, construction worker at naninirahan sa Blk. 9, Lot 6, Yein St., Brgy. Kaypian ng nasabing lungsod.

Ang suspek ay naaresto matapos na makatanggap ng report ang mga otori­dad na makikipagkita ang suspek sa isang kaibigan sa nasabing barangay dakong alas-11:00 ng gabi.

Tinungo ng mga otoridad ang lugar at alas-12:20 ng madaling araw nang maaresto ang suspek.

Magugunita na nakita ang suspek ng ilang kapitbahay na karga nito ang batang si Princess Angela Dumbrigue, 5-anyos, kinder noong Linggo ng alas-3:00 ng madaling araw.

Kaya’t ginising ng mga kapitbahay ang ina ng biktima at sinabing na­kita nila ang suspek na tangay ang kan­yang anak na dinala sa masukal na lugar ilang metro lamang ang layo sa kanilang bahay.

Sa masukal na lugar ay hahalayin na umano ng suspek ang bata nang mataranta ito at natakot dahil natunugan nito na may paparating na mga tao kung kaya pinalo niya ng isang matigas na bagay sa ulo ang bata at saka iniwan.

EMAN LAMBUHON
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with