700 kilo ng sangkap sa pampasabog ng Abu Sayyaf Group, narekober
Joy Cantos (Pang-masa) - September 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Narekober ng tropa ng militar ang nasa 700 kilo ng ammonium ni­trate na sangkap sa pag­gawa ng bomba at isang 81 MM mortar fuse na hinihinalang pag-aari ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) kamakalawa sa Brgy. Latih, Patikul, Sulu.

Sa ulat, dakong alas- 10:00 ng umaga nang ireport ng isang residente sa tropa ng Army’s 63rd Mechaniezed Company ng 1st Brigade Com­bat Team (1BCT) ang eksplosibong itinago ng mga bandido sa isang abandonadong bahay sa kanilang barangay nitong nakalipas na Sabado.

Nang makaalis ang mga bandido ay naglakas loob naman ang ilang residente sa lugar na tunguhin ang nasabing kubo at dito’y nadiskubre ang mga sangkap pampasa­bog ng mga bandido.

Sinabi ni Brig. Gen Leopoldo Imbang Jr, Commander ng 1BCT na kadalasang nagpre- “preposition” ng mga pampasabog ang ASG sa labas ng Metro Jolo para i-pick up at i-de­liver ng ibang mga ASG members na ginagamit ng mga ito sa paghahasik ng terorismo.

Inihayag naman ni Police Col. Pablo Labra ,Sulu Provincial Police Office Director base sa kanilang forensic examinations ay may ammo­nium nitrate signature rin ang mga bomba na ginamit sa pagpapasabog sa Jolo Cathedral noong Enero 27, 2019 na ikina­sawi ng mahigit 20 katao habang halos 100 iba pa ang nasugatan at maging sa pambobomba sa Indanan, Sulu noong Hunyo 28 ng taong ito na ikina­sawi naman ng walo katao habang marami pa ang nasugatan.

ABU SAYYAF GROUP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with