Una nang sinabi ng alkalde na nais nilang mapanagot ang mga ta­ong nasa likod ng pag­tatapon ng mga patay na baboy at tiniyak na sa­sampahan nila ng kauku­lang mga kaso.
The STAR/Michael Varcas, file
P200K reward sa makapagtuturo sa nagtapon ng mga patay na baboy sa Marikina River
Mer Layson (Pang-masa) - September 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Magbibigay ng P200,000 reward ang Marikina City government sa sino mang makapagbibigay ng karag­dagan pang impormasyon hinggil sa mga taong nasa likod nang pagtatapon ng 58 patay na baboy sa Marikina River.

Sinabi ni Marikina City Mayor Marcelino‘Marcy’ Teodoro, bagama’t may lead na mga larawan at impormasyon ang lokal na pamahalaan, hinggil sa insidente ay wala pa umano silang mga testigo na makapag­bibigay ng detalyadong impormasyon kung sino ang may kagagawan nang pagtatapon ng mga patay na baboy sa ilog.

Anang alkalde, ang kanilang mga nakalap na lead ay naipaabot na  nila sa Department of Agriculture (DA), ngunit naghahanap pa sila ng karagdagang impormasyon hinggil dito.

Una nang sinabi ng alkalde na nais nilang mapanagot ang mga ta­ong nasa likod ng pag­tatapon ng mga patay na baboy at tiniyak na sa­sampahan nila ng kauku­lang mga kaso.

MARIKINA CITY GOVERNMENT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with