_pang-masa
^

Police Metro

7 lugar sa Luzon may ASF outbreak

Angie dela Cruz - Pang-masa
7 lugar sa Luzon may ASF outbreak
Sinabi ni BAI Director Ronnie Domingo na tumaas ang bilang ng mga namamatay na baboy sa mga sumusunod na lugar: Antipolo ay sa Barangay Cupang; sa Bulacan ay ang bayan ng Guiguinto; Rodriguez, Rizal ay ang mga Barangay San Jose; Macabud; San Isidro; San Rafael at Barangay Mascap
File

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Bureau of Animal Industry (BAI) ang outbreak, o pagkakaroon ng African swine fever (ASF) sa 7 lugar sa Luzon.

Sinabi ni BAI Director Ronnie Domingo na tumaas ang bilang ng mga namamatay na baboy sa mga sumusunod na lugar: Antipolo ay sa Barangay Cupang; sa Bulacan ay ang bayan ng Guiguinto; Rodriguez, Rizal ay ang mga Barangay San Jose; Macabud; San Isidro; San Rafael at Barangay Mascap 

“Kapag sa isang lugar ay tumataas above the expected occurrence ang pagkakasakit o pagkakamatay ay puwede ‘yong maituring na isang hitsura ng outbreak,” paliwanag ni Domingo.

“’Yong nangyari sa Rizal, wala naman silang ASF tapos nagkaroon ng mga namamatay na baboy at nagkakasakit, so ‘yon po ay maituturing na outbreak,” dagdag niya.

Tiniyak ni Domingo na patuloy pa rin ang pagpapatupad ng mga hakbang ng pamahalaan para hindi kumalat ang ASF sa mga karatig na lugar. 

Samantala, sinabi ni Quezon City Mayor Joy Belmonte, nasa 50 baboy sa loob ng isang kilo­metrong radius mula sa Barangay Bagong Silangan ang kinatay para maiwasan ang pagkalat ng ASF.

Kasunod ito ng pagkumpirma ng mga lokal na opisyal ng lungsod na nagpositibo sa ASF ang mga patay na baboy na nakita sa creek sa nasabing barangay.

Nauna na ring ipinag-utos ni Belmonte ang unti-unting pagpapasara sa mga babuyan dahil ilegal ang operasyon ng mga ito.

Sinabi naman ni Agriculture Secretary William Dar na hindi pa maituturing na epidemic ang pagkalat ng ASF dahil kontrolado pa naman umano ang sitwasyon. 

BUREAU OF ANIMAL INDUSTRY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with