^

Police Metro

Nakadispalko ng benta ng shabu, itinumba ng kaibigan

Ludy Bermudo - Pang-masa
Nakadispalko ng benta ng shabu, itinumba ng kaibigan
Sa ulat, bago nangyari ang pamamaril alas- 10:00 ng umaga sa loob ng bahay ng suspek ay nakita nito ang biktima na isang taong nagtago dahil sa nadispalko nito ang pera mula sa iligal na droga kaya’t ito ay niyaya sa bahay.
File

MANILA, Philippines — Binalewala lang ng isang 24-anyos na lalaki ang pagiging magkaibigan nila ng biktima nang kanyang pagbabarilin dahil sa hindi pagbabayad ng utang nitong shabu naganap kahapon ng umaga sa Tondo, Maynila.

Ang biktima na idineklarang patay sa Ospital ng Tondo dahil sa mga tama ng bala sa katawan ay kinilalang si Robin Roland Relango, 24, ng no. 1139 B, Vargas St., Barangay 216, Zone 20, Tondo.

Tumakas naman ang suspek na kinilalang si Renielle Punzalan, kababata at kapitbahay ng biktima sa lugar.

Sa ulat, bago nangyari ang pamamaril alas- 10:00 ng umaga sa loob ng bahay ng suspek ay nakita nito ang biktima na isang taong nagtago dahil sa nadispalko nito ang pera mula sa iligal na droga kaya’t ito ay niyaya sa bahay.

Pagdating sa bahay ay walang kaabog-abog na pinagbabaril ng suspek ang nabiglang biktima nang sabihin na hindi nito mababayaran ang nadispalkong pera.

Nagawa pang makalabas ng biktima sa bahay at nakapagsumbong pa sa ama na siya ay binaril ng suspek.

Isinugod pa ng ama sa nasabing ospital ang biktima,subalit nabigo nang maisalba ang buhay.

vuukle comment

ILIGAL NA DROGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with