^

Police Metro

Karnaper todas sa biniktimang parak

Danilo Garcia - Pang-masa
Karnaper todas sa biniktimang parak
Sa ulat, dakong ala-1:30 ng madaling araw ay minamaneho ni P/Cpl Eric Jones Ambat, nakata­laga sa naturang lungsod, ang kanyang motorsiklo nang harangin siya ng dalawang suspek na magkaangkas sa motorsiklo sa may Tionquiao St., Brgy. Manuyo Dos.

MANILA, Philippines — Mistulang nagka­maling biktima­hin ng dalawang lalaking karnaper ang isang pulis na puwersa­hang kunin ang dala nitong motorsiklo matapos na mabaril at mapatay ang isa habang nadakip ang kasama naganap kahapon ng madaling araw sa Las Piñas City.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng napatay na suspek habang isina­sailalim sa imbestigas­yon ang naarestong kasama na hindi muna pinangalanan ng pulisya.

Sa ulat, dakong ala-1:30 ng madaling araw ay minamaneho ni P/Cpl Eric Jones Ambat, nakata­laga sa naturang lungsod, ang kanyang motorsiklo nang harangin siya ng dalawang suspek na magkaangkas sa motorsiklo sa may Tionquiao St., Brgy. Manuyo Dos.

Tinutukan ang pulis na noon ay nakasibilyan at sapilitang pinaalis sa kanyang motorsiklo.

Kusang-loob namang ibinigay ng pulis ang kanyang motor ngunit nang nakasakay na ang isa sa suspek ay dito na siya nagbunot ng kanyang baril at saka nagpakila­lang pulis.

Sa halip na sumuko ay nagtangka umanong paputukan siya ng isa sa mga suspek kaya’t inunahan na nitong barilin habang sumuko ang isang suspek na nahaharap sa kasong attempted carnapping at illegal pos­session of firearms.

vuukle comment

BIKTIMA­HIN NG DALAWANG LALAKING KARNAPER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with