Pinas apektado sa saudi oil attack -- DFA
MANILA, Philippines — Malaki ang paniniwala ni Foreign Affairs Sec. Teddy Locsin na makakaapekto sa Pilipinas ang ginawang pag-atake sa oil facilities ng Saudi Arabia.
Ang pahayag ni Locsin sa kanyang Twitter account kahapon ay kasunod nang pag-atake ng Iranian-ba Jed na Houthis group sa Yemen na umatake sa 2 planta sa Abqaiq facility sa pusod ng Saudi oil industry noong Sabado.
Anya, malaking bulto ng langis ay nagmumula sa produksyon ng Saudi Arabia bukod sa ibang oil exporting countries kaya ang pag-atake rito ay malaking epekto sa Pilipinas.
“This is serious. It wil l— not could — affect us deeply; to put it bluntly, an oil shortage or steep rise in oil price will rock the Philippine boat and tip it over,” wika pa ni Locsin.
“So everybody shut the f*** up and focus. No more clowns. Declaring state of emergency won’t save our economy but kill it,” sabi pa ng DFA chief.
Ang presyo ng mga krudo ay posibleng tumaas ng ilang dolyar bawat barrel kapag nagbukas na ang merkado ngayong araw.
- Latest