Sinabi ni Marikina City Mayor Marcelino Teodoro, na may lead na sila kung sino ang nagpaanod ng nasa 56 patay na baboy at sasampahan nila ito ng mga kasong kriminal at sibil.
Boy Santos
Nagtapon ng mga patay na baboy sa Marikina River, kilala na
Mer Layson (Pang-masa) - September 16, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kilala na umano ng mga otoridad kung sino ang nagtapon ng mga patay na baboy sa Marikina River, kamakailan.

Sinabi ni Marikina City Mayor Marcelino Teodoro, na may lead na sila kung sino ang nagpaanod ng nasa 56 patay na baboy at sasampahan nila ito ng mga kasong kriminal at sibil.

“Binigay ko ‘yung lead of information for the possible place or location, a material information that could pos­sibly point to the source. Ang city naman, we are serious in filing cases against the culprit whoever would be found in violation of clean water act, and sanitation law,” ani Teodoro.

“Magpa-file kami ng civil case para maka-claim ng damages for the manhour, equipment, manpower na consume ng city sa pagcle-clear at paglilibing ng mga baboy na ‘yan,” aniya pa.

Matapos na matanggap ang tip mula sa lokal na pamahalaan, nabatid na nagpadala naman na ang DA, sa pamamagitan ng Bureau of Animal Industry (BAI), ng team sa Montalban, Rizal upang maimbes­tiga sa insidente.

NAGTAPON NG MGA PATAY NA BABOY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with